← Leyte

Matag-Ob

Leyte

Klase
Bayan

Sa Gobernador nakadepende ang bayan, at ang probinsya ang bahala kung tutulungan ka nila o hindi.

Income class
4th class

Makitid. Dito tumataas sa 55% ang cap sa Personal Services — inaamin na mismo ng batas na mahirap dito.

Populasyon
18,618

Kalahati ng NTA formula ay populasyon, kaya ito ang halos buong badyet mo — at ganito karaming tao ang maiingay sa bawat desisyon mo.

Laki ng lupa
104 km²

Kapat ng NTA formula. Ito rin ang nagde-decide kung magkano ang farm-to-market road at gaano katagal bago mo marating ang malalayong barangay.

Density
178 / km²

Rural. Malakas dito ang magsasaka at mangingisda, at kalsada ang laging pinag-aawayan.

Barangay
21

21 kapitan na kailangan mong alagaan, 21 honoraria na unang kinakaltas sa general fund — at sila rin ang magdadala ng boto sa araw ng halalan.

Tumakbo sa Matag-ObTingnan muna ang mapa

Totoong lugar, totoong datos. Ang populasyon at laki ng lupa ay galing sa 2024 bilang ng PSA. Walang totoong tao sa larong ito.